![]()
ITINANGGI ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, na naniniwala siyang lokohan na ang ruling ng korte sa voting threshold.
Ang pahayag ay mula kay Office of the Vice President Spokesperson Atty. Paolo Panelo na nagsabing may kaparehong pananaw si Poa.
Sinabi ni Poa na nananatili ang kanyang respeto sa Impeachment Court kahit hindi pumanig sa kanila ang ruling.
Naniniwala naman si Poa na may legal remedy pa silang maaaring gawin tulad ng paghahain ng petisyon sa Korte Suprema at hindi lamang sa media o sa kwentuhan.
Kinumpirma ni Poa na kinausap na niya si Panelo at sinabihang ayaw niyang makaladkad ang kanyang pangalan sa mga pahayag na hindi naman mismo nagmumula sa kanya.
