dzme1530.ph

MYNT IPO, MAGPAPALAWAK SA SERBISYO NG GCASH PARA SA MGA NASA LAYLAYAN NG LIPUNAN, AYON SA FINANCIAL ANALYST

Loading

Maaaring makalikom ng karagdagang pondo ang Initial Public Offering ng MYNT Inc. upang palawakin pa ang mga serbisyong pinansyal ng GCash at maabot ang mas maraming Pilipino na dati ay hindi nito naaabot.

Sinabi ng financial analyst ng isang kilalang bangko na si Michael Ricafort, na maaaring gamitin ang pondong malilikom sa IPO upang suportahan ang pagpapalawak ng GCash.

Aniya, posibleng magbigay-daan ito upang mas maraming Pilipino, partikular ang mga nasa lugar na kulang sa serbisyong pinansyal ay magkaroon ng access sa mga digital na produktong pinansyal at iba pang kaugnay na serbisyo.

Batay sa ulat ng Asian Banking and Finance, tinatayang 42% hanggang 50% ng mga Pilipino na nasa hustong gulang ang wala pa ring pormal na account sa isang institusyong pinansyal o tradisyunal na bangko, hanggang sa unang bahagi ng 2026.

Gayunman, nakatulong ang mga digital na e-money wallet, gaya ng GCash, upang mabawasan ang naturang kakulangan.

Binigyang-diin din ni Ricafort na sa patuloy na pagdami ng mga serbisyong pinansyal, maaaring mas mailapit sa karaniwang Pilipino ang mga tradisyunal at makabagong produktong pamumuhunan at ibang serbisyong pinansyal.

About The Author