![]()
NTC, pinagmu-multa ang tatlong telcos sa mahinang broadband service
Pinatawan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Globe Telecom, Smart Communications, at DITO Telecommunity dahil sa kanila umanong poor mobile broadband services.
Sa magkakahiwalay na show cause orders, pinagmu-multa ng NTC ang tatlong kumpanya ng ₱100,000 bawat isa hanggang sa maabot nila ang required quality of service standard.
Binigyang-diin ng ahensya na nagsasagawa sila ng regular mobile broadband service performance validation sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mamonitor ang compliance ng telcos na may applicable quality-of-service standards.
Naglabas ang NTC ng memoranda noong May 29, 2025; Aug. 5, 2025; at Nov. 17, 2025, para atasan ang mga kumpanya na pagandahin ang kanilang serbisyo sa mga lugar na mahina ang signal o walang signal.
Bukod sa penalties, inatasan din ng NTC ang telcos na magsumite ng corrective action plan para maitama ang deficiencies at mapagbuti ang kanilang serbisyo.
