dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, BINANATAN ANG UK SA PAGPAPALAYA SA MGA SUSPEK SA TERROR PLOT

Loading

Binatikos ni US President Donald Trump ang tugon ng United Kingdom sa suspected terror plot para atakihin ang UK airbase na ginagamit ng US military.

Sinabi ni Trump na “na-sorpresa” siya na nakalaya ang limang suspek matapos magpiyansa.

Aniya, kung siya ang tatanungin ay hindi niya pakakawalan ang mga suspek dahil ang kanilang mga hakbang ay posibleng konektado sa Iran.

Tumanggi naman ang US President na ipaliwanag ang kanyang pahayag, sa pagsasabing bagaman alam niya ang sagot, mas mainam na hindi na lang niya ito sabihin.

Ipinaliwanag ng British counter-terrorism na ang pagpapakawala sa lahat ng limang suspek ay hindi nangangahulugang tapos na ang imbestigasyon dahil isasailalim ang kanilang mga kilos sa mahigpit na mga kondisyon.

About The Author