dzme1530.ph

POLE VAULT CHAMPION EJ OBIENA, WAGI NG BACK-TO-BACK ASIAN GAMES GOLD MEDAL; SARILING RECORD, BINASAG

Loading

Namayagpag EJ Obiena sa men’s pole vault competition sa 2026 Asian Games sa Nagoya City Mizuho Park Athletic Stadium sa Japan.
 
Ang 30-year-old Filipino star ang tanging atleta sa 12-man field na na-clear ang 5.75 meters, at matagumpay na nadepensahan ang gold medal na napanalunan niya noong 2023 Asian Games sa China.
 
Gayunman, hindi pa nagtatapos dito ang achievement ni Obiena na nagmamay-ari ng Asian record na 6.00 meters.
 
Sa kabila ng talsik na ang lahat ng kanyang competitors, na-clear ni Obiena ang 5.91 meters sa first attempt para sa bagong Asian Games record.
 
Binasag ni Obiena ang sariling record na 5.90 meters na kanyang naitala sa nakalipas na edisyon.
 
Ito ang ikatlong gold medal para sa Pilipinas sa Asian kasunod ng dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa floor exercise at vault events sa men’s gymnastics.

About The Author