![]()
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pamumuno at representasyon ng kababaihan sa pagpapasigla ng ekonomiya at inobasyon ng ASEAN, kasabay ng paghikayat sa kanila na igiit ang kanilang puwesto sa pamumuno.
Sa kanyang talumpati sa 4th ASEAN Women Leaders’ Summit, ipinunto ni Marcos na nananatiling kulang sa representasyon ang kababaihan sa mga gabinete at parlamento sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Sinabi ng Pangulo na ang underrepresentation ng kababaihan sa national at regional dialogues ay repleksyon, hindi lamang ng puwang sa representasyon, kundi sa mga perspektibong humuhubog sa mahahalagang policy decisions sa buong rehiyon.
Hinikayat ni Marcos ang kababaihan na huwag tumigil sa pamumuno at ipagpatuloy ang pagsusulong ng regional agenda at panawagan ng kanilang sektor.
