dzme1530.ph

Taas-Pasahe sa LRT at MRT, tinutulan ng isang labor group

Mariing tinutulan ng grupo ng mga manggagawa ang nakaambang taas-pasahe sa LRT at MRT.

Ayon sa Federation of Free Workers (FFW), hindi makatwiran na ipasa sa mga manggagawa ang naging lugi ng mga train system dahil sa pandemya.

Matatandaang, humirit ang LRT-1 ng ₱17- ₱44 na taas-pasahe mula sa kasalukuyang ₱11 hanggang ₱30.

₱7 hanggang ₱6 pisong Fare Hike naman ang hirit ng MRT-3.

Giit ni FFW Union Leader Jun Ramirez, sa halip na fare increase ay maaari namang kunan ng dagdag pondo para sa kanilang operasyon ang subsidiya ng gobyerno gayundin ang kita mula sa mga renta at advertisement.

Panawagan ng grupo sa Department of Transportation at Department of Labor and Employment, iprayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa at humanap ng ibang solusyon na hindi kakailanganing magpatupad ng dagdag-pasahe.

About The Author