dzme1530.ph

Ilegal na droga nasabat sa Caloocan, 2 arestado

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng higit ₱850,000 halaga ng ilegal na droga sa caloocan.

Nakilala ang mga nadakip na sina Edgardo De Vera, 51 at Estilito Castro, 30.

Nasakote sila ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit Ng Northern Police District (Npd) sa pamamagitan ng ikinasang buy bust operation sa Bagumbong Dulo na sakop ng Barangay 171 sa lungsod ng Caloocan.

Nakumpiska sa kanila ang nasa dalawang sachet ng shabu na nasa 125 na gramo ang bigat at nagkakahalaga ng ₱850,000

Bukod sa ilegal na droga, nakuha rin sa kanilang ang isang shotgun na kargado ng tatlong bala.

About The Author