dzme1530.ph

Vice Mayor, at 5 patay sa ambush sa Nueva Vizcaya

Patay ang Vice Mayor ng Aparri, Cagayan at lima nitong kasama makaraang tambangan ng mga salarin na nakasuot ng uniporme ng Pulis, sa bayan ng Bagabag, sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Nueva Vizcaya Police Information Officer Major Jolly Villar, patungong aparri si Vice Mayor Rommel Almeda, kasama ang kanyang limang aides, sakay ng Hundai Starex Van, 9:00 ng umaga kahapon, nang pagbabarilin sila sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakasuot ng Police Uniforms ang mga suspek na pawang naka-mask at nakasakay sa Mitsubishi Adventure na may kulay pulang license plate number na SFN 713, palatandaan na isa itong government car.

Naglagay umano ng barikada ang mga suspek sa bahagi ng kalsada sa harapan ng MV Duque Elementary School sa Baretbet at nang parating na ang sasakyan ni Almeda ay pinaulanan nila ito ng bala.

Dead on the spot ang Bise-Alkalde at lima nitong kasama subalit dinala pa rin sila sa Region 2 Trauma and Medical Center kung saan idineklara silang Dead on Arrival.

Tumakas naman ang Gunmen patungo sa bayan ng Solana.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

About The Author