dzme1530.ph

DND Sec. Teodoro, makikipagtulungan pa rin kay Sec. Galvez kahit na ibinalik na ito sa OPAPRU mula sa DND!

Makikipagtulungan pa rin si Department of National Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. kay Sec. Carlito Galvez Jr.,

Ito ay kahit na ibinalik na si Galvez bilang pinuno ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), mula sa pagiging Senior Undersecretary ng DND.

Ayon kay Teodoro, napakalaki ng trabahong ginawa ni Galvez sa OPAPRU at kabisado na nito ang proseso.

Kasabay nito’y iginiit ng kalihim na ang peace process ay isang napakahalagang bagay sa national security.

Kaugnay dito, welcome kay Teodoro ang pagbabalik ni Galvez sa OPAPRU at magiging katuwang pa rin umano niya ito sa pagtataguyod ng internal security sa bansa.

Matatandaang si Galvez ang nagsilbing officer-in-charge ng DND noong hindi pa naitatalaga si Sec. Teodoro. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author