dzme1530.ph

HENRY AGUDA, NANANATILING DICT SECRETARY, AYON SA PALASYO

Loading

Nananatiling kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si Henry Aguda.

Tugon ito ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kasunod ng kumalat na impormasyon na nag-resign si Aguda sa DICT.

Sinabi ni Castro na wala silang natatanggap na anumang kahalintulad na impormasyon.

Sa statement ni Aguda na binasa ni Castro, inihayag ng DICT Secretary na nakarating sa kanya ang kumalat na reports, subalit sa ngayon aniya ay nakatutok siya sa pagganap sa tungkulin at sa pagpapatuloy sa mga gawain ng ahensya.

March 2025 nang manungkulan si Aguda sa DICT kapalit ni Ivan Uy.

About The Author