dzme1530.ph

CONG. LEANDRO LEVISTE, PINAYUHAN ANG MGA TAGASUPORTA NA HUWAG SIYANG ALALAHANIN KASUNOD NG INISYUNG WARRANT OF ARREST LABAN SA KANYA

Loading

Pinasalamatan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang kanyang mga tagasuporta kasabay ng pagsasabing huwag siyang alalahanin.

Kasunod ito ng arrest warrant na inisyu laban sa mambabatas dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act (PSA).

Sa statement, sinabi ni Leviste na maliit na bagay lamang ito kumpara sa ibang mga nangyayari.

Una nang naglabas ang Makati Regional Trial Court ng warrant laban kay Leviste at may itinakdang piyansa na ₱72,000.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamong isinampa ng Department of Energy noong Mayo sa Department of Justice laban sa kongresista at sa lima pang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC).

Sa kasalukuyan ay nasa France si Leviste, at inaalagaan ang ina na si Sen. Loren Legarda, na naka-medical leave, ayon sa kanilang tagapagsalita na si Atty. Tony Laviña.

About The Author