dzme1530.ph

ALEX EALA, NA-MEET ANG KANYANG “SUPER IDOL” NA SI MARIA SHARAPOVA

Loading

Another dream come true para kay Filipina tennis star Alex Eala na makaharap sa wakas ang kanyang idol na si dating Russian professional tennis player Maria Sharapova.
 
Napanood si Eala bilang guest sa podcast ng kanyang childhood idol na “Pretty Tough.”
 
Sa reel na ibinahagi ni Sharapova sa kanyang social media accounts, makikitang nagyakapan ang tennis legend at Pinay tennis sensation sa unang pagkakataon.
 
Very vocal si Eala sa kanyang paghanga sa tennis icon, at inilarawan si Sharapova bilang kanyang “super idol.”
 
Sinabi ng 21-year-old Pinay tennis star na five years old siya nang una niyang makita ang idol.
 
Noong Hulyo ay tinawag ni Sharapova na “star” si Eala matapos ang makasaysayang panalo nito sa Wimbledon.

About The Author