![]()
Isiniwalat ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo na ang tinanggap niyang 120 million pesos na “balato” mula kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ay one percent lamang ng umano’y 25% na kickbacks ng dating kongresista mula sa government infrastructure projects.
Ginawa ni Bernardo ang testimonya sa Sandiganbayan Fifth Division sa trial ng graft case ni Co kaugnay sa maanomalyang road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sinabi ng dating DPWH official sa korte na nais niyang itama ang halaga na kanyang inilahad sa kanyang naunang judicial affidavit, kung saan 100 million pesos aniya ang natanggap niyang “balato” mula kay Co.
Nilinaw ni Bernardo na matapos ang malalim na recollection, 120 million pesos pala ang tinanggap niya mula sa dating mambabatas sa loob ng tatlong taon.
