dzme1530.ph

MGA REPORT NG KAHINA-HINALANG BANK TRANSACTIONS SA AMLC, HINDI MAAARING BATAY LAMANG SA TSISMIS

Loading

Umaabot sa 34 individual accounts ang isinara ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio sa Bank of the Philippine Islands o BPI.

Kinumpirma ito ni Marwin Galvez, division head ng BPI, sa pagsalang sa witness stand sa impeachment trial ngayong hapon.

Bukod dito, mayroon ding pitong active deposit accounts sa BPI, dalawang credit card accounts kasama ang isang active corporate account at 20 iba pang kumpanya mula January 1, 2007 hanggang December 31, 2025.

Kasama rin sa pinakukumpirma ni Legal Counsel for the Prosecution, ayon kay Atty. James Bryan Ibrahim Alih, ang joint accounts nina VP Sara at ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2011 hanggang 2014.

Kabilang dito ang mga transaksyon na umaabot sa P90 million at insurance products na umaabot sa P80 million.

Ipinakumpirma rin ni Alih kay Galvez ang ilang manager’s check na in-encash sa joint account ng mag-ama na umaabot sa P40 million noong 2011.

Gayunman, iginiit ng depensa na walang kinalaman sa impeachment kay VP.

Ipinaliwanag naman ng prosecution panel na ipapakita nila rito ang pattern sa account sa paglabas at pagpasok ng pera.

About The Author