dzme1530.ph

PAULO AVELINO, BUMIYAHE PATUNGONG SEOUL PARA TANGGAPIN ANG OUTSTANDING ASIAN STAR AWARD

Loading

Lumipad patungong South Korea si Paulo Avelino para dumalo sa Seoul International Drama Awards ngayong Huwebes.
 
Si Paulo ang Outstanding Asian Star awardee ng Pilipinas ngayong taon.
 
Sinabi ng Kapamilya actor na very thankful siya, lalo na sa mga taong bumoto sa voting category, para maging kinatawan ng Pilipinas.
 
Aniya, two years ago ay si Daniel Padilla ang tumanggap ng naturang award habang last year naman si Kim Chiu, at ngayon ay siya na.
 
Nang kumustahin si Paulo hinggil sa legal battle ni Kim sa kapatid nitong si Lakambini Chiu, inihayag ng aktor na very busy ang aktres sa opening ng pop-ups sa iba’t ibang lugar sa bansa.
 
At magiging mas busy pa aniya ito kung makaaabot ang kanilang pelikula na “A Perfect Marriage” sa final cut ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

About The Author