![]()
Inatake ng Houthi rebel ang international airport sa Aden sa pamamagitan ng ballistic missiles at explosive-laden drones, ayon sa Transport Ministry sa Yemen.
Sa mga nakalipas na araw ay nakasentro ang sagupaan sa mga lugar sa paligid ng Bab el-Mandeb Strait, isang shipping route na naging mas crucial para sa energy exports mula nang malimitahan ang trade sa Strait of Hormuz.
Naglunsad ang Yemeni government forces kasama ang Saudi-led coalition air support ng counter-offensive para bawiin ang strategic territory malapit sa Strait at sa paligid ng bayan ng Mocha, na kinubkob ng Houthis noong Setyembre.
Paulit-ulit namang tinarget ng Houthis ang mga imprastraktura, kabilang ang airports, oil refineries at pipelines sa Saudi Arabia, na kaalyado ng Estados Unidos.
