![]()
NATAPOS na ang presentasyon sa Impeachment Court kay state auditor Xylene Mae del Campo kaugnay sa paggamit ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
Inaasahan sa susunod na linggo, maihaharap sina Marivic Pareja, chief ng Archives Division ng House of Representatives gayundin ang mga disbursing officers na sina Gina Acosta at Edward Fajarda at ang assistant chief of staff ng OVP na si Limuel Ortonio.
Sa trial kanina ay umalma si Atty. Shiela Sison sa posting sa social media ng may kinalaman sa ilang mga pahayag ng kalabang abogado sa korte.
Iginiit ni Sison na dapat magpakita ng respeto, politeness at kindness kasama ang humility ang bawat abogado sa kanilang kapwa abogado.
Inihayag naman ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na sa Lunes ay magpapalabas siya ng ruling o desisyon kaugnay sa ilang mga paglabag ng mga abogado sa kanilang rule 18 dahil sa mga pahayag sa labas ng korte kaugnay sa kaso.
Ipinaaala rin ni Escudero una na niyang hiniling sa dalawang panig na ikunsidera ang pagpapalit ng kanilang mga spokesperson na hindi bahagi ng kanilang panel.
Tatlong tema naman tumutok ang pagtatanong ng mga senator judges sa testigong si del Campo.
Una ay ang legal mechanics ng restitution at finality ng disallowances kung saan binusisi ng mga senator judges ang administrative consequences ng notice of disallowance, appeals process, strict liability at mandated return of public funds.
Pangalawang tema ay may kinalaman sa Substantive Verification of Expenditures partikular sa paggamit ng Safehouses, Aliases, at mga resibo kung saan binusisi ang mga paperwork at standard auditing requirements kaugany sa intelligence operations ng isang ahensya.
At ikatlong tema ang Chain of Custody (SDOs), Vault Inspections, and Fraud Audit Triggers kung saan tinanong ng Senator-Judges ang rules kaugnay sa kustodiya ng pondo at kinuestyon ang coa kung bakit hindi sinuri ang vault ng ahensya at hindi pa nagsasagawa ng fraud audit.
