dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, PATULOY NA TUMATANGGAP NG MAJORITY APPROVAL AT TRUST RATINGS

Loading

Sa kabila ng mga alegasyon ng katiwaliang kinakaharap, natanggap pa rin ni Vice President Sara Duterte ang majority approval at trust ng mga Pinoy.
 
Sa September survey ng Pulse Asia, lumitaw na 54% ng mga respondent ang aprub sa performance ni VP Sara habang 55% ang nagpahayag ng tiwala sa kanya.
 
Samantala, naitala sa 30% ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang 29% ang kanyang trust rating.
 
Isinagawa ang survey noong September 17 hanggang 24 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 adult respondents.
 
Ayon sa Pulse Asia, ang approval ratings ng dalawang opisyal ay hindi nagbabago simula noong Hulyo hanggang September sa lahat ng geographic subgroups.

About The Author