![]()
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng ₱2.2-billion Jalaur Bulk Water Supply Project sa Sta. Barbara, Iloilo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na sa sandaling makumpleto ang proyekto ay madaragdagan ng hanggang 86 million liters per day ang supply ng tubig sa Iloilo City at sa pito pang mga distrito.
Inihayag ng Pangulo na ang water supply project ang magpupuno sa mga dam ng Jalaur Multi-Purpose Project Stage 2, na kanyang pinasinayaan noong July 2024.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mag-i-improve ang water pressure at magbibigay ng round-the-clock access sa ligtas na inuming tubig.
