![]()
Muling ilalagay sa yellow alert status ang Visayas Grid ngayong Biyernes, November 27.
Ayon sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, aabutin lamang ng isang oras ang yellow alert na mula 5 p.m. hanggang 6 p.m.
Sa datos, ang available capacity ng Visayas Grid ay 2,500 megawatts habang ang peak demand ay aabot ng 2,428 megawatts.
Ito ay dahil nananatili pa ring unavailable ang ilang power plants sa rehiyon.
