dzme1530.ph

EAC, SINILAT ANG SAN BEDA SA GAME 2 NG NCAA BASKETBALL SEMIFINALS

Loading

Sinilat ng Emilio Aguinaldo College ang San Beda University, 75-64, sa Game 2 ng NCAA Season 102 Men’s Basketball Semifinals sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni MJ Raymundo ang EAC sa kanyang 20 points, 8 rebounds, 3 assists, at 1 steal habang nag-ambag sina Joseph Nunag ng 12 points at 8 rebounds at Wilmar Oftana ng 10 points.

Samantala, nanguna sa San Beda si Bismarck Lina na gumawa ng 14 points, 6 rebounds, at 1 steal habang nagdagdag sina RC Calimag ng 12 points at Jimmy Reyes at Aldous Torculas ng tig-11 points.

Itinakda ang Game 3 ng Semifinals sa Lunes.

About The Author