dzme1530.ph

CONTINGENCY MEASURES KAUGNAY SA SUPER EL NIÑO, INILALATAG NA NG DOE

Loading

INILATAG na ng Department of Energy ang contingency measures laban sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa energy supply at sa consumers.
 
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nakipag-meeting na sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa iba pang ahensya ng gobyerno upang palakasin ang preparasyon laban sa tagtuyot.
 
Partikular dito ang para sa sapat na pagkain, tubig, gayundin sa agriculture at energy sectors.
 
Sinabi ni Garin na binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang tiyakin ang sapat na suplay ng enerhiya at langis sa gitna ng inaasahang epekto ng weather phenomenon.
 
Inaasahan din ang paghahanda sa mga critical facilities kabilang na ang mga pagamutan, dam at mga sakahan.

About The Author