dzme1530.ph

HALOS 100 SCHOOL-RELATED INCIDENTS NA KINASASANGKUTAN NG MINORS, INIIMBESTIGAHAN NG PNP

Loading

Iniimbestigahan ng PNP ang halos 100 school-related incidents na kinasasangkutan ng minors, kabilang ang mga pamamaril at pananaksak.

Kasabay nito ay tinitingnan ng mga awtoridad ang posibleng online groups na nakaiimpluwensya sa mga bata na gumawa ng karahasan.

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez na ang mga kaso ay kinabibilangan ng seizure of firearms, bladed weapons at iba pang items na maaaring magdulot ng banta sa mga paaralan.

Idinagdag ng PNP Chief na naghanda sila ng investigation and operational plans para maiwasan ang mga kahalintulad na insidente, sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), local government units, schools, at barangay officials.

Naglunsad din ng imbestigasyon ang PNP Anti-Cybercrime Group sa posibleng links sa online chat groups kung saan maaaring ma-expose ang mga bata sa masasamang impluwensya.

About The Author