![]()
IGINIIT ng Malacañang na mahalagang masubaybayan ng taumbayan ang paglilitis ng International Criminal Court o ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangang nakatutok din ang sambayanan sa paglilitis dahil isang Pilipino ang akusado.
Ipinaalala ni Castro na mga Pinoy din ang naghain ng kaso kaya’t importanteng usapin ito sa pagbibigay-hustisya sa mga naging biktima ng extrajudicial killings.
Itinakda na sa Lunes ang pagsisimula ng trial at bumiyahe na rin patungong The Hague, Netherlands ang ilang pamilya ng mga biktima.
