dzme1530.ph

TAGONG YAMAN NI VP SARA, MALINAW NANG NAIPAKITA SA TESTIMONYA NG FINANCIAL AUDIT EXPERT NG PROSEKUSYON

Loading

Inamin ni House Prosecutor Terry Ridon na dahil sa testimonya ni financial audit expert, lawyer-accountant Alexander Cabrera, napalitan na sina Mary Grace Piattos, Milky Secuya at iba pang fictitious names.
 
Ayon kay Ridon, ang totoong pangalan nina Sara Duterte at Manases Carpio ang humalili sa mga pekeng tao na ginamit sa accounting ng confidential funds.
 
Klaro na umano ang ₱817-M hanggang ₱1.5-B na tago o unexplained wealth na nauugnay sa totoong pangalan ng mag-asawa.
 
Ang mga tagong yaman ay galing umano sa tatlong negosyo na may financial stake ang Duterte-Carpio couple gaya ng Gencorp Industries, Inc., na deklarado sa 2024 to 2025 SALN ni VP Sara, ang Cale88 Foods Corp. at Metro City Chow Foods Corp.
 
Ang Gencorp ay may 5 Jollibee franchises sa Davao area na may gross sales na ₱360-M noong 2024.
 
Ang Cale88 naman ay exporter ng banana chips, na ayon sa AMLC, recipient ng ₱779-M remittances galing abroad, kabilang ang ₱319-M na nagmula sa Chinese companies.

About The Author