dzme1530.ph

IMPLEMENTASYON NG NUMBER CODING SA LUNES, SUSPENDIDO

Loading

Suspendido ang implementasyon ng number coding sa Lunes, November 30, kasabay ng paggunita sa Bonifacio Day.
 
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, awtomatikong suspendido ang number coding tuwing official at special non-working holidays.
 
Pinapayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na planuhin pa rin ang kanilang biyahe at magpatupad ng kaukulang pag-iingat.
 
Tiniyak din ng MMDA na patuloy silang magpapatupad ng hakbangin upang matiyak ang kaligtasan sa mga kalsada.

About The Author