dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, INAASAHANG SASAGUTIN ANG MGA KWESTYON SA KANYANG MGA BUSINESS INTEREST

Loading

UMAASA si Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na sasagutin ni Vice President Sara Duterte o ng kanyang defense team sa tamang panahon ang mga kwestyon na may kinalaman sa kanyang business interest sa Gen Corporation Industries.
 
Sinabi ni Escudero na inaasahan niyang darating ang pagkakataon na ipipresenta ng kampo ng Bise Presidente ang kanilang depensa sa mga alegasyon.
 
Ang pahayag ay ginawa ni Escudero bilang tugon sa tanong ni Senator Judge Raffy Tulfo kung ano ang paniniwalaan ng mga senador.
 
Binanggit ni Tulfo na idineklara ni VP Sara na bahagi siya ng Gen Corp subalit wala ang kanyang pangalan sa records ng Securities and Exchange Commission.
 
Tanong ni Tulfo kung oversight ba ito ng SEC o naging honest ang Pangalawang Pangulo.
 
Sinabi ni Escudero na hindi pa niya masasagot ang isyu sa ngayon at dedepende ito sa mga ebidensyang ihaharap ng prosekusyon at ng depensa.
 
Samantala, ngayong araw ay inaasahang haharap na si Davao City Mayor Baste Duterte sa impeachment trial.
 
Ayon kay Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol, tanging ang alkalde ang may subpoena para sa pagdinig ngayong Martes.
 
Kung hindi pa rin aniya haharap si Mayor Baste ay maigsi lamang ang magiging trial ngayong araw, subalit maaari namang magpresinta ng ibang testigo ang prosekusyon.

About The Author