![]()
Nakarating na sa Commission on Elections o COMELEC ang viral video ng umano’y vote buying na kinasasangkutan ni Batangas Representative Leandro Leviste.
Sa kumakalat na video, makikitang namamahagi umano ng pera si Leviste sa mga nakapilang residente, habang sa hiwalay namang video ay makikita ang pamimigay ng sako-sakong bigas na iniuugnay sa umano’y kampaniya nito.
Ayon sa mga impormasyon na kasama sa viral posts, nangyari umano ang insidente noong 2025 elections sa Nasugbu, Batangas.
Sinabi ni COMELEC Chairman, George Erwin Garcia na inaalam na nila ang eksaktong petsa ng insidente at kung naganap nga ito noong panahon ng eleksyon.
Ani Garcia, mahalagang matukoy kung kandidato na si Leviste nang mangyari ang umano’y pamimigay.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, maaaring maharap sa pagkakakulong at diskwalipikasyon sa pagtakbo sa anumang posisyon ang mapatutunayang sangkot sa vote buying.
“Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Leandro Leviste kaugnay ng kumakalat na video.”.
