![]()
Nakatakdang iukit ngayong Lunes, May 11 sa kasaysayan ang pag impeach kay Vice President Sara Duterte sa ikalawang pagkakataon.
Pangunahing agenda sa calendar of business ang botohan sa committee report ng House Committee on Justice na nagsabing may probable cause ang reklamo.
Apat na Articles of Impeachment ang ipadadala sa Senado sa oras na suportahan ito ng at least one-third o 106 ng 318 House members.
Tiniyak ni Justice panel chairperson Rep. Gerville Luistro na handang handa siyang idepensa sa plenary ang findings ng komite.
Nakapaloob sa resolution 989 ang alegasyon sa confidential funds, unexplained wealth, bribery, at threats laban sa top gov’t officials.
