dzme1530.ph

LEGAL REPRESENTATIVES NG MGA BIKTIMA NG WAR ON DRUGS, PINALILIMITAHAN ANG PAGTATANONG SA ISANG TRAUMATIZED WITNESS SA ICC

Loading

Hiniling ng mga legal representative ng mga biktima ng war on drugs sa International Criminal Court na limitahan ang oras at dami ng pagtatanong sa isang testigo sa paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Layunin nitong mapangalagaan ang psychological status ng testigo.
 
Sa kanilang mosyon, sinuportahan ng Common Legal Representatives of Victims ang kahilingan ng prosecution na tanggapin ang mga naunang naitalang testimonya nina P-008, P-1303 at P-1164.
 
Sa kanilang kahilingan, iginiit na bawasan ang partisipasyon sa pagdinig ni P-1303 dahil labis itong naaapektuhan sa tuwing naaalala at ikinukuwento ang pagkamatay ng isang biktima.
 
Nagdudulot umano ito ng matinding stress sa testigo.
 
Nakatakdang simulan ang paglilitis sa kaso ni dating Pangulong Duterte sa November 30.

About The Author