dzme1530.ph

VENA ENERGY NG SINGAPORE, PLANONG MAG-INVEST NG 52 BILLION PESOS PARA SA MAS MATAAS NA RENEWABLE CAPACITY SA PILIPINAS

Loading

Plano ng Singapore-based Vena Energy na magdagdag ng 1.29 gigawatts ng renewable energy capacity sa Pilipinas sa pamamagitan ng ₱52-billion equity investment, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa kanyang five-day work visit sa Singapore, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng renewable energy firm.

Nag-o-operate ang kumpanya ng 887-megawatt at mayroong 1.26-gigawatt under construction, na may key utility-scale solar, wind, and hybrid projects sa Pangasinan at Ilocos Norte.

Ayon sa PCO, ang naturang developments ay direktang naka-align sa national targets ng bansa na maabot ang 35% ng renewable energy share sa power generation pagsapit ng 2030 at 50% sa 2040.

About The Author