dzme1530.ph

P22.5-B PAGKALUGI NG HOG FARMERS SA BUONG BANSA, IPINAAAKSYON NA KAY PBBM JR.

Loading

Nanawagan ang Pork Producers Federation of the Philippines at Philippine Pork Council Alliance kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na agarang kumilos para matigil ang pagkalugi ng lokal na industriya ng baboy na posibleng umabot sa ₱22.5 bilyon sa loob ng 90 araw.
 
Ayon sa mga grupo, nasa ₱130 hanggang ₱140 kada kilo ang farmgate price ng baboy, mas mababa sa ₱180 hanggang ₱190 na gastos sa produksyon.
 
Tinatayang ₱250 milyon kada araw ang lugi ng mga magbababoy dahil sa mababang presyo at patuloy na pagpasok ng imported pork.
 
Kabilang sa kanilang panukala ang pagtataas ng taripa at paglilimita sa inaangkat na baboy upang matulungan ang lokal na industriya.
 
Samantala, nanawagan si AGAP Party-list Representative Nicanor Briones sa Department of Agriculture at Bureau of Customs na imbestigahan ang posibleng maling deklarasyon at undervaluation sa imported pork.

About The Author