dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, NAGBIGAY NG PERSONAL ASSURANCE KAY PANGULONG MARCOS JR.

Loading

Muling tiniyak ni US President Donald Trump ang suporta ng kanyang bansa sa mga kaalyado sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas, na aniya ay naging mas malapit na ngayon sa Amerika dahil sa “personal relationship.”
 
Sa pagsisimula ng ASEAN-US Summit, sinabi ni Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kilala ang mga magulang nito na inilarawan bilang “great.”
 
Nagbigay din ang US leader ng personal assurance kay Marcos na maaari siyang tawagan kung mayroong problema.
 
Pabiro pang sinabi ni Trump na kapag hindi sinagot ni US Secretary of State Marco Rubio ang tawag ay sisibakin niya ito, at siya mismo ang sasagot.
 
Bukod sa Pilipinas, inihayag din ng US President ang bagong partnership sa Indonesia para sa kooperasyon sa depensa.

About The Author