![]()
Nasaksihan ang world-class Filipino talent sa closing ceremony ng 49th ASEAN Summit, kung saan kabilang sa mga nagtanghal ang pinakamalalaking musical acts sa bansa.
Binuksan ni Julie Anne San Jose ang show sa kanyang rendition ng hit song ng Coldplay na “A Sky Full of Stars.”
Sinundan ito ni Gary Valenciano na umawit ng “Love in Any Language,” na original na inirecord ng American Christian singer na si Sandi Patty.
Nagtapos ang musical performances sa pamamagitan ng P-pop kings na SB19 na nagpaindak sa audience sa kanilang hit song na “Gento.”
Para sa finale, sinamahan ang SB19 nina Julie Anne, Gary V, at iba pang performers sa pag-awit ng official theme song ng 49th ASEAN Summit na “Together in Motion.”
