![]()
Lumagda ang Estados Unidos at Saudi Arabia sa isang landmark deal kung saan papayagan ang Gulf Kingdom na mag-develop ng civilian nuclear programme.
Ayon sa US Energy Department, inilarawan ang deal bilang “peaceful nuclear co-operation agreement” na magbibigay ng access sa American companies sa Saudi nuclear energy program.
Binigyang-diin ng ahensya na, kasama ng co-operational deal, lumagda rin ang US at Saudi ng “bilateral safeguards agreement.”
Nakasaad sa statement na ang dalawang kasunduan ang legal foundation para sa decades-long, multi-billion dollar partnership para isulong ang iba’t ibang priority economic and strategic objectives, kabilang ang nuclear nonproliferation.
