dzme1530.ph

TULONG NG GOBYERNO SA EPEKTO NG OIL PRICE HIKE, DAPAT PAKINABANGAN NG LAHAT

Loading

Buo ang paninindigan ni Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla na makikinabang ang lahat ng sektor sa tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan ngayong may problema sa presyo ng petrolyo.
 
Isang paraan upang makinabang ang lahat ay ang paglalagay ng cap sa VAT on fuel.
 
Isinusulong ni Mercado-Revilla ang calibrated value-added tax capping mechanism sa petrolyo, sa paraan ng pag “forgo” sa “windfall” revenue na nakukuha sa pagsipa ng presyo ng langis.
 
Malaki na umano ang kinita ng pamahalaan sa VAT sa langis mula nang sumipa pataas ang presyo nito, kaya naman maaari na rin itong suspendihin na malaking relief sa Filipino consumers.
 
Kung 12% ang kasalukuyang VAT, maaari naman aniya itong ibaba sa 6% para kahit papaano ay may revenue pa ring papasok sa pamahalaan.
 
Ayaw lang ng kongresista na patawan pa ng VAT ang presyong tumaas dahil sa krisis, na malaking pahirap umano sa bayan.
 
Sa ngayon, kung ang isang consumer ay bibili ng P1,000 fuel, 120 pesos ang VAT nito, subalit sa VAT cap na 6%, magiging P36 na lamang ang kokolektahin ng pamahalaan.

About The Author