dzme1530.ph

Treasure, magcoconcert sa Pilipinas sa April 2023

Magcoconcert sa Pilipinas sa susunod na taon ang K-Pop Boy Group na Treasure.

Nakatakda sa April 15, 2023 ang Manila Concert ng Treasure sa Mall Of Asia Arena (MOA) bilang bahagi ng kanilang Hello Tour.

Matatandaang una nang nagtanghal ang Treasure sa South Korea at Japan, at nakatakda rin silang magconcert sa Taiwan, Malaysia, Indonesia, Thailand, Singapore, at Macau.

Bukod dito, naging bahagi rin sila ng 2022 K-Pop Masterz Concert sa Pilipinas noong July 2022.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ang Hello, Darari, at Volkno.

About The Author