dzme1530.ph

Bay Area Dragons tinambakan ang Barangay Ginebra  

Tinambakan ng guest team Bay Area Dragons ang Barangay Ginebra para itabla sa 11 ang Best-of-7 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup Finals Series.

Sa Game 2 kagabi sa Smart Araneta Coliseum, nanaig ang Bay Area sa score na 99-82 sa pangunguna ni Import Andrew Nicholson na kumamada ng double-double 30 points, 15 rebounds at 2 blocks.

Gumawa rin ng 25 points at 6 assists si Zhu Songwei, habang hindi sumapat para sa Barangay Ginebra ang 32 points ni Best Import Frontrunner Justin Brownlee.

Muling maghaharap ang Barangay Ginebra at Bay Area sa Game 3 sa darating na Enero a-kwatro sa Mall of Asia Arena (MOA).

About The Author