dzme1530.ph

Pope Francis, humiling ng panalangin para sa kay Pope Emeritus Benedict XVI

Humiling ng dasal si Pope Francis para kay Pope Emeritus Benedict XVI na nasa malubhang kalagayan.

Sa pagtatapos ng kanyang General Audience sa Vatican, humiling ng panalangin si Pope Francis para palakasin ng Panginoon ang nobenta’y singko na dating Santo Papa.

Sinabi naman ni Vatican spokesperson Matteo Bruni na lumubha ang kalagayan ng dating Santo Papa sa nakalipas na oras dahil na rin sa kanyang edad.

Pagkatapos ng General Audience ni Pope Francis ay kaagad itong dumalaw sa dating Santo Papa

Si Joseph Ratzinger na mas kilala bilang Pope Benedict XVI ang kauna-unahang Santo Papa ng Simbahang Katolika na bumaba sa pwesto sa loob ng anim na daang taon dahilan sa kanyang lumamalang lagay dala ng katandaan.

About The Author