![]()
Isang teenager ang naputulan ng kamay matapos magpang-abot ang high-school protesters at riot police sa Northern France.
Inirereklamo ng mga estudyante ang underfunding, overcrowding, at dilapidation sa kanilang paaralan.
Ayon sa isang regional newspaper, naputulan ng kamay at bahagi ng braso ang kinse-anyos na biktima matapos pulutin ang police dispersal grenade na sumabog sa bayan ng Lens, sa gitna ng kilos protesta na nasa ikatlong linggo na.
Batay sa report, nasa 200 hanggang 250 na mga raliyista ang nagbato ng kung anu-anong bagay sa mga pulis.
Inihayag ni Education Minister Edouard Geffray na nababawasan na ang mga sumasali sa rally nitong mga nakalipas na araw.
Maglulunsad aniya ang pamahalaan ng platform para sa mga mag-aaral upang doon ihayag ang kanilang mga reklamo at magpapatupad ng action plan sa mga partikular na eskwelahan.
