![]()
Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon ng dating police officer na si Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay sa pagdedeliver niya ng bilyung-bilyong pisong cash sa kanya.
Ginawa ng Bise Presidente ang pagtanggi sa kanyang press conference kung saan sinabi niyang hindi niya ginawa, hindi niya nalalaman at hindi niya personal na naranasan ang alegasyon ni Gracioso.
Nangako rin si VP Sara na maghahain ng kanyang affidavit sa NBI, sa Huwebes.
Kahapon ay hindi humarap si VP Sara sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa mga alegasyon ni Gracioso.
Sa pahayag ng dating pulis, sinabi niyang dati siyang security personnel ni dating House Speaker Lord Allan Velasco at inatasan siyang magdeliver ng pera sa Bise Presidente.
Samantala, tumanggi si VP Sara na sumagot sa mga isyung may kinalaman sa impeachment trial, partikular sa mga bagong alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa pagtanggap ng pera mula sa China.
