dzme1530.ph

TAPE Inc., naglabas ng statement kasunod ng pag-alis ng mga host ng Eat Bulaga

Naglabas ng official statement ang TAPE Incorporated kasunod ng pagpapaalam ng main hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon noong Miyerkules.

Ayon sa TAPE owner na si Romeo Jalosjos at Chief Finance Officer Buller Jalosjos, ikinalulungkot ng kumpanya ang naging takbo ng mga pangyayari noong Miyerkuels subalit iginagalang nila ang desisyon ng mga host na lisanin ang Eat Bulaga at GMA 7 Network, na kanilang naging tahanan sa loob ng 28-taon.

Nakalulungkot mang isipin subalit tuloy ang buhay at kailangang tanggapin ang anumang pagbabagong dumating.

Tiniyak din ng TAPE sa mga manonood na may mga bagong personalidad at kapana-panabik na segments para sa show.

Sinabi pa ng TAPE na ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author