![]()
Malayo sa isipan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang usapin kung sino ang posibleng pumalit kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng impeachment trial.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa pagsasabing hindi napag-uusapan sa kanilang pulong ang naturang isyu.
Iginiit ni Castro na ang tanging nais ng Pangulo ay masunod ang due process.
Una nang sinabi ni Castro na wala namang manghihimasok kung ang desisyon ni VP Sara ay manatili sa kanyang puwesto.
Subalit, malaking kalokohan anya kung igigiit ng Bise Presidente na dapat mag-resign ang Pangulo.
