dzme1530.ph

TAAS-BABA NA GALAW SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, POSIBLE SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Asahan ang magkaibang galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
 
Batay sa Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel habang rollback sa presyo ng gasolina.
 
Sa pagtaya, posibleng nasa ₱4 hanggang ₱4.50 ang dagdag sa bawat litro ng diesel habang nasa ₱1 hanggang ₱1.50 ang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.
 
Nitong June 2, nag-rollback ng ₱4.76 ang bawat litro ng gasolina; ₱9.26 sa bawat litro ng diesel at ₱10.86 sa kada litro ng kerosene.

About The Author