![]()
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang nationwide school readiness tracking system, bago ang pagbubukas ng mga klase sa Lunes, June 8.
Layunin nito na matukoy ang infrastructure, sanitation, technology, at learning material gaps sa mga pampublikong paaralan.
Sa pamamagitan ng “Project Handa,” mababantayan ang key indicators na may kaugnayan sa physical facilities, learner support, at instructional readiness para matulungan ang education officials na malaman kung saan pinaka-kailangan ng resources at interventions.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na mahalaga na maging tama at mabilis ang pagkuha ng datos sa bawat paaralan upang agad matugunan ang kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan bago magbukas ang school year 2026-2027.
