dzme1530.ph

Suplay ng isda, sapat hanggang Holy Week —BFAR

Nanatiling sapat ang suplay ng isda sa gitna ng inaasahang pagtaas ng demand sa paparating na Holy Week.

Ito ang binigyang-diin ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera matapos makaapekto ang oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Nazario, kumpyansa siya na sapat ang produksyon ng isda matapos buksan ng bansa ang mga fishing ground.

Kaya rin aniyang punan ang nasabing suplay kahit tumaas pa ang demand sa Mahal na Araw dahil sa peak season ng fishing activity.

Gayunman, ikinonsidera rin ni Nazario na maaaring bumaba ang produksyon ng isda sa ilang lugar na apektado ng oil spill.

About The Author