![]()
Naka-focus ang Broadway star na si Lea Salonga sa pagbuo ng fulfilling life, kaysa maghanap ng romantic partner.
Inamin ni Lea na hindi niya prayoridad na magpakasal muli sa puntong ito ng kanyang buhay.
Hinikayat din ng international theater star ang publiko na i-prioritize ang kanilang sarili at lumikha ng makabuluhang buhay, anuman ang kanilang relationship status.
Naniniwala si Lea na dapat unahin ang personal growth at happiness bago pumasok sa romantikong relasyon.
Isiniwalat din ni Lea na wala sa kanyang mga kaibigan ang nag-a-arrange ng dates para sa kanya dahil nirerespeto nila ang kanyang desisyon.
Una nang kinumpirma ng Broadway star na hiwalay na sila ng kanyang mister na si Robert Chien, makalipas ang ilang taong pagsasama.
