dzme1530.ph

PALASYO, TINIYAK NA HINDI MAPABABAYAAN ANG MGA MAGSASAKA AT KATUTUBO SA PAX SILICA PROJECT

Loading

Tiniyak ng Malacañang na hindi mababalewala o mapababayaan ang Indigenous Peoples (IP) sa planong Pax Silica initiatives, sa gitna ng paghahanda ng pamahalaan na maisapinal ang kanilang legal framework.
 
Binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na itatayo ang Pax Silica facilities sa loob ng designated buildable zone na aniya ay para maiwasan ang displacement sa mga magsasaka at IPs.
 
Siniguro rin ni Castro na ang mga maaapektuhang residente ay bibigyan ng relokasyon at financial assistance, sakaling magkaroon ng displacement dahil sa proyekto.
 
Ginawa na ng Palasyo ang kaparehong assurance noong Agosto, sa pagsasabing hindi madi-displace ang mga magsasaka sa proposed Pax Silica Project sa New Clark City sa Tarlac, dahil itinalaga ang site bilang “buildable zone” simula noong 2019.

About The Author