![]()
Iniimbestigahan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang alegasyon na nakakalabas si former House Speaker Martin Romualdez mula sa Quezon City Jail.
Binigyang-diin ng ahensya na lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDL) ay subject sa parehong custodian rules at anumang galaw sa labas ng kulungan ay kailangan ng kaukulang court order.
Idinagdag ng BJMP na welcome sa kanila ang mahalagang impormasyon mula sa publiko, kasabay ng pagtiyak na makikipagtulungan sila sa anumang imbestigasyon ng iba pang ahensya ng pamahalaan.
Kahapon ay ibinunyag ng kolumnistang si Ramon Tulfo kung paano nakakapuslit palabas ng kulungan si Romualdez, batay sa impormasyon mula sa source na tinawag niyang “Tweety Bird.”
Hinikayat ni Tulfo ang mga imbestigador na suriin ang logbook ng piitan para sa records ng power interruptions, dahil posibleng indikasyon ito ng umano’y pag-alis at pagbabalik ni Romualdez sa pasilidad.
